Buwan ng Wika
Ngayong araw, Agosto 28, 2024, matagumpay nating ipinagdiwang ang Buwan ng Wika sa ating paaralan na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya.” Ang programa ay puno ng makulay na kaganapan at ipinakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa ating kultura at wika.
Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ay ang patimpalak sa pagsuot ng katutubong kasuotan na nilahukan ng mga mag-aaral mula Una hanggang Ikatlong Baitang. Ang bawat baitang ay may tatlong natatanging mag-aaral na nagpakitang-gilas at nagkamit ng karangalan:
Mga Nagwagi:
Best in Cultural Costume: Galia Jule I. Hipolito
Most Creative Costume: Bianca Cassidy A. Partible
Most Symbolic Costume: Luis Zaldy C. Santos
Best in Cultural Costume: Wane Tyller S. Bantolio
Most Creative Costume: Bhennyz Jane A. Macadenden
Most Symbolic Costume: Amber Hailey Q. Cantil
Best in Cultural Costume: Hajirah Czarina R. Munar
Most Creative Costume: J-Lorde Mchale O. Balubar
Most Symbolic Coatume: David Ishmael P. Cardinez
Bilang bahagi ng programa, ipinakilala rin ang ating mga bagong halal na opisyales ng General Parent-Teacher Association (GPTA). Ang seremonya ay pinangunahan ng ating School Director, G. Frederick Q. Tria, kasama ang ating Punongguro, Gng. Jonabel A. Tria. Naging makabuluhan ang pagkakataon upang pormal na ipakilala ang mga lider na magbibigay ng suporta sa ating paaralan.
Kasunod nito, nagkaroon din ng isang masiglang pagtatanghal ng mga bagong halal na opisyales ng School of Prefect (SOP) sa elementarya at sekondarya. Ang seremonya ay pinangunahan ni G. Frince Jonathan B. Avecilla, ang kanilang tagapayo.
Maraming salamat sa lahat ng nagbahagi ng kanilang talento at oras upang gawing matagumpay ang selebrasyong ito. Nawa’y patuloy nating gamitin at mahalin ang ating sariling wika, ang Filipino, bilang isang wikang tunay na mapagpalaya!